Home NATIONWIDE Int’l shrine status target maabot ng Padre Pio shrine sa Batangas

Int’l shrine status target maabot ng Padre Pio shrine sa Batangas

MANILA, Philippines – Tinitignan ng National Shrine of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas Batangas na matamo ang katayuan ng isang international shrine.

Iniulat sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) website, na ang national shrine ay naghahangad ng stature, ayon sa libro na pinamagatang “Enlarging the Space of our Tent”, na inilathala ng Archdiocese of Lipa released noong Enero 13.

Inaaprubahan ng Vatican ang pagtatalaga ng international shrine, na nag-uuri dito bilang isang sagradong lugar para sa banal na pagsamba para sa unibersal na Simbahan.

“This dream reflects the archdiocese’s desire to extend its influence far beyond its local and immediate surroundings and welcome people of diverse cultures and nationalities to experience the spiritual richness it offers,” sabi ng archdiocese.

Idinagdag nito na ang dambana ay naglalayong magsilbing “beacon of unity” na humahatak ng mga tagasunod mula sa iba’t ibang lugar upang makiisa sa mga solemn religious ceremonies ng pagsamba at pagpapagaling.

Itinatag noong 2003 ang Padre Pio shrine at idineklara bilang isang archdiocesan shrine makalipas ang limang taon.

Noong 2015, kinilala ito bilang isang pambansang dambana, na naglalaman ng ilang mga first-class na relic ng Italian saint, na ginugol ang halos lahat ng kanyang buhay sa isang monasteryo sa southern Italy.

Kilala sa kanyang stigmata at kaloob ng pagpapagaling, si Padre Pio ay isa sa mga pinaka-iginagalang na Santo noong ika-20 siglo.

Noong 2018, dinala ang kanyang heart relic sa shrine kung saan maraming tao ang nasama-sama para magbigay pugay sa Santo.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay mayroon lamang isang internasyonal na dambana, na nakatuon sa Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleNawawalang case folders ng mga iniimbestigahang pulis, nahanap na – PNP
Next articleMag-asawang tulak; 2 pa timbog sa Bulacan buy-bust