Home HOME BANNER STORY Investigation procedures nilabag sa pagkamatay ni Jemboy – NPD chief

Investigation procedures nilabag sa pagkamatay ni Jemboy – NPD chief

MANILA, Philippines – Inihayag ni Northern Police District (NPD) chief Police Brigadier General Rizalito Gapas na ang imbestigasyong isinagawa ng Navotas City police sa pagkamatay ng binatilyong si Jemboy Baltazar ay “not exhaustive.”

Sa panayam, sinabi ni Gapas na ito ang ilan sa ma salik na nagdala upang alisin ang mga sangkot na pulis mula sa kanilang mga pwesto.

“Nakita din natin na meron paglabag sa investigation procedures natin dahil ‘yung pag-iimbestiga, nakita natin hindi na-paraffin ‘yung mga akusado at mukhang hindi exhaustive ‘yung pagkakagawa, ‘yung efforts sa imbestigasyon na ito,” pahayag ni Gapas.

Sinabi pa ng opisyal na agad-agad ginamitan ng armas ng pulisya si Baltazar kahit na hindi naman nagpakita ng anumang panganib o banta ang binatilyo.

“Kabilang dito sa haharapin nila first ‘yung force continuum na sinasabi. ‘Yung violation sa operational procedure natin na dapat meron lang kaukulang approaches sa bawat isang sitwasyon,” sinabi pa ni Gapas.

“Sa pagkakataong ito, nakikita natin na walang threat, walang aggression na nagmumula sa inaaresto pero ginagamit agad yung firearms. So isa yang sa mga pananagutan o sasagutin ng ating kapulisan,” dagdag nito.

Lumabag din ang mga pulis-Navotas sa hindi paggamit ng body-worn camera sa operasyon.

Matatandaang inalis na sa pwesto si Navotas City Police chief Police Colonel Allan Umipig nitong Miyerkules, Agosto 16, na may kaugnayan sa pagkamatay ni Baltazar ng mga pulis dahil sa mistaken identity.

Sa ngayon ay si Police Colonel Santos Sumingwa Jr. na ang tumatayong officer-in-charge ng Navotas City Police.

Nirerespeto naman umano ni Umipig ang desisyon ngunit itinangging nagkaroon ng cover-up.

Maliban kay Umipig, inalis din sa pwesto ang 22 iba pang pulis.

Inirekomenda naman ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (IAS) ang reklamo laban kay Umipig dahil sa “alleged dishonesty at command responsibility.”

Samantala, ang 11 pulis ay nahaharap din sa reklamo dahil sa umano’y pag-iwan sa binatilyong biktima sa crime scene at ibav pang paglabag sa police operations procedure.

Noong Agosto 2, napatay si Baltazar ng mga pulis habang naghahandang mangisda sa Barangay NBBS Kaunlaran matapos magpakamalang suspek sa ikinasang follow-up operation ng pulisya. RNT/JGC

Previous articlePapel ng Japan sa pagpapanatili sa katatagan ng WPS, kinilala ni PBBM
Next articleGranada sumabog sa bahay ng ex-Comelec chair