Home NATIONWIDE IQ ng mga Pinoy, ‘below average’ – ulat

IQ ng mga Pinoy, ‘below average’ – ulat

452
0

MANILA, Philippines- Batay sa isang report, below average ang intelligence quotient (IQ) score ng mga Pilipino.

Sa listahan na kinabibilangan ng halos 200 bansa, ika-111 ang Pilipinas na may average IQ score na 81.64, ayon sa World Population Review.

Halos 100 ang natukoy na average IQ score.

Nanguna ang mga bansa at teritoryo sa Asya sa listahan, kabilang ang Japan, Taiwan, Singapore at South Korea.

Subalit, sa listahan ng World Population Review, halos 12 bansa lamang ang mayroong IQ score na higit sa 100.

Kaya naman, hindi umano nangangahulugang ang mga bansang mas mababa sa 100 ang score ay “mapurol” na.

“Whenever we try to measure ‘yong IQ ng isang tao, hindi lang naka-focus sa average kasi mayroon din namang iba-ibang klase, we call it multiple intelligence,” sabi ng clinical psychologist na si Fab Calipara.

“Ang important ay hindi naman fixed ‘yong IQ ng isang tao. Actually nai-increase pa natin ito depending on stimulations that we do for our brains,” aniya pa.

Sinabi pa ni Calipara na may tinatawag na digital dementia na kondisyon kung saan nababawasan ang intellectual capacity ng isang tao dahil sa labis na paggamit ng mga gadget.

Bukod dito, mayroon pang ibang salik na nakaaapekto sa IQ ng isang tao gaya ng genetics at kaniyang kapaligiran.

May epekto rin umano sa IQ ang socio-economic status ng tao, edukasyon ng mga magulang maging ang kalusugan at nutrisyon.

“Nasa womb pa lang, naalagaan na ang mga bata para sa kanilang nutirsyon para sila ay lumaki na mataas ang quotient for intelligence and also healthy,” pahayag naman ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Kabilang umano sa mga praktikal na paraan para mapataas ang IQ ng isang tao ay ang pagbabasa ng aktuwal na libro, pag-expose sa iba-ibang learning materials, at paglalaro ng puzzles at games na nakaka-stimulate ng isipan gaya ng chess.

Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag ang Department of Education hinggil sa inilabas na average IQ score rankings. RNT/SA

Previous articleDOH: 6.9M chikiting, nabakunan kontra tigdas, rubella, polio
Next article2 pekeng doktor, arestado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here