Home NATIONWIDE Iraq hangad na mapabuti ang ugnayan sa Pinas

Iraq hangad na mapabuti ang ugnayan sa Pinas

277
0

MANILA, Philippines – Nais ng Iraq na muling pasiglahin ang relasyon nito sa Pilipinas.

Tinitingnan rin nito ang posibilidad na itaas at dagdagan ang pakikipag-ugnayan o interaksyon sa agrikultura, langis, kalusugan at seguridad.

Sa isang panayam kay Iraq Embassy Chargé d’Affaires Dr. Khalid Ibrahim Mohammed, sinabi nito na umaasa ang Baghdad na i-convene  ang 8th Iraq-Philippines Joint Committee Meeting (JCM) at nag-imbita ng delegasyon mula sa  Department of Foreign Affairs (DFA) na bisitahin ang Iraq  ngayong taon.

Ang huling JCM ay idinaos sa Baghdad noong  Marso  2013.

Sinabi ni Mohammed, hangad ng Iraq na “ baguhin” ang pakikipagtulungan sa Maynila kontra backdrop ng bagong roadmap ng Iraqi government para i-develop ang ekonomiya at pagbutihin ang buhay sa bansa.

“[W]e have a lot of topics in this JCM — in education, in health, economy, and also to try to restart the Filipino workers to come back to work in Iraq,” ayon kay Mohammed.

“Actually, there is a lot of memorandum of understanding on the Iraqi and Filipino side, but one of the very important one is between the two foreign affairs ministries and now we would like to make a lot of memorandum of understanding,” dagdag na wika nito.

Aniya, ang pangangailangan ng Iraq’ para sa kuwalipikadong manggagawa at eksperto para muling itayo ang imprastraktura nito ay magsisilbi bilang oportunidad para sa “future exchanges” sa pagitan ng dalawang estado.

Sa agrikultura, sinabi ni Mohammed na ang Iraq ay umaasa na makakukuha ng pagsasanay at matutunan ang “best practices” mula sa Pilipinas pagdating sa pagpapahusay sa produksyon sa bigas.

Umaasa naman si Mohammed na makabibisita ang mga filipino sa bansa bilang mga turista sa hinaharap kasabay ng pag-imbita niya sa mga byahero na bisitahin ang ancient city ng Ur,  birthplace ng Prophet Ibrahim Al-Khalil.

Tinuran nito na may ilang historical at cultural places na maaaring bisitahin ng mga dayuhan, dapat lamang na i-book nila ang kanilang byahe sa pamamagitan ng travel agency.

“After years of instability due to war, political turmoil, and the now-defeated Islamic State, the situation in Iraq has drastically changed and is now witnessing “great stability”, ayon kay Mohammed.

“Iraq is witnessing great security stability, especially after achieving victory over the ISIS (Islamic State in Iraq and Syria) terrorist gangs. Today, we are under a new elected government that seeks to fight corruption, (display) openness to all countries of the world, and achieve mutual benefit through investments,” aniya pa rin.

Ang Iraq ay nasa ilalim ng alert level 3, kung saan ang voluntary repatriation advisory para sa mga  Filipino ay nasa lugar.

Ang status ay hindi pa na-update ng  DFA simula 2021 matapos na ibaba ito mula  alert level 4 o mandatory evacuation.

Ang diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa ay pormal na itinatag noong Enero  12, 1975, kasabay ng pagbubukas ng  Iraqi Embassy sa Maynila.

Setyembre 1980, pinasinayaan ang Philippine Embassy sa Baghdad subalit kalaunan ay inilipat sa  Jordan noong 2003 dahil sa Iraq War. Nagpatuloy ang operasyon sa Baghdad noong 2011. RNT

Previous articlePinas siksik pa ng untapped gas fields – DOE
Next articlePosibleng paggamit ng nuclear energy sa Pinas nirerepaso na

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here