Home NATIONWIDE IRR ng Maharlika Investment Fund inilabas na – Diokno

IRR ng Maharlika Investment Fund inilabas na – Diokno

551
0

MANILA, Philippines- Inilabas na ng Bureau of the Treasury  ang implementing rules and regulations (IRR) para sa Maharlika Investment Fund (MIF) kasunod ng komprehensibong konsultasyon sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP).

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno na inilathala  sa Official Gazette, araw ng Lunes, Agosto 28, ang detalyadong IRR ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act,  gagamitin para sa pagsasaayos ng pagtatatag ng unang “sovereign wealth fund” ng bansa.

Ayon kay Diokno, ang IRR ay ipinadala sa National Printing Office noong nakaraang Agosto 22, at inilathala sa Official Gazette, araw ng Lunes, Agosto 28.

Sa ilalim ng  probisyon ng Republic Act 11954, “the IRR outlined the specific guidelines for the operation of the Maharlika Investment Corp. (MIC), which serves as the sole entity responsible for mobilizing and utilizing of the MIF.”

Base sa kopya ng IRR na nakuha ng Manila Bulletin, ang MIC “will initially be capitalized with P125 billion. The national government will contribute P50 billion, while the Land Bank and DBP will provide P50 billion and P25 billion, respectively.”

Sa loob ng limang araw ng implementasyon ng IRR, ililipat ng Land Bank at DBP ang kani-kanilang kontribusyon sa “dedicated account” ng Treasury bureau. Kris Jose

Previous articleHigit 32K parak ipinakalat sa balik-eskwela 2023
Next articleLWUA sa nasasayang na tubig sa labas ng NCR: Sobrang taas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here