MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Agrarian Reform (DAR) nitong Martes, Agosto 15 na inatasan na nito ang komite na magsimula sa pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) para sa Republic Act No. 11953 o New Agrarian Emancipation Act, na nag-aabswelto sa P57.557 bilyong utang ng 610,054 magsasaka.
Sa pahayag, sinabi ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado M. Estrella III na kailangang-kailangan ng komprehensibong IRR sa implementasyon nito sa loob ng anim na araw na deadline matapos itong ipatupad noong Hulyo 2023.
Ipinag-utos naman ni Estrella sa komite at technical working group na kumuha ng inputs para sa IRR sa key agrarian reform communities sa buong bansa sa pamamagitan ng public consultations.
Ang komite ay binubuo ng pitong miyembro na pinamumunuan ni DAR Undersecretary for Legal Affairs Napoleon U. Galit at iba pang agrarian reform officials.
Ito ay nalikha sa ilalim ng memorandum mula sa Office of the President na inilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Agosto 3, at DAR Special Order No. 508 na inisyu naman noong Agosto 7.
Samantala, ang technical working group ay binubuo nina Dr. Fermin Adriano ng Kapatid Angat Lahat Program at Foundation for Economic Freedom, Atty. Christian Monsod, dating Comelec chairman at legal counsel para sa ilang farmers groups, at Leonardo Montemayor.
Ayon sa DAR, makikinabang sa naturang batas ang 610,054 agrarian reform beneficiaries sakop ang 1,173,101.57 ektarya ng agrarian reform lands.
Idinagdag din na ang pamahalaan, “will also shoulder the balance of the obligations of 10,201 ARBS, tilling 11,531.24 hectares of agrarian reform lands, under the voluntary land transfer/direct payment scheme, amounting to P206,776.” RNT/JGC