Home OPINION IRREPLACEABLE SI TOOTS OPLE

IRREPLACEABLE SI TOOTS OPLE

208
0

ITO lang marahil ang una at kaisa-isang pagkakataon na sasang-ayon ako kay Pangulong Ferdinan Marcos Jr. Ito ay nang sabihin niya sa state tribute kay Migrant Workers Secretary Maria Susana “Toots” V. Ople nitong Lunes sa Malacañang, na ang kalihim ay ang kanyang “irreplaceable champion” sa pagtataguyod ng ikabubuti ng milyon-milyong overseas Filipino workers at kanilang mga pamilya.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang pagpanaw ng opisyal ay lumikha ng kakulangang hindi kailanman mapupunan, idinagdag na bagama’t ang kakayahan ng kalihim ay masusumpungan sa iba, ang pambihirang dedikasyon ni Ople ay hindi maaaring gayahin. Ang emosyonal na talumpati ng Pangulo ay sumasalamin sa napakalaking kawalan para sa atin at sa panghihinayang ng bansa sa pagkawalang makakaapekto sa ating lahat.

‘Leaning Torre’ ng QC

 Ang mariing pagtanggi ni P/BGen Nicolas Torre III na may pagtatangkang harangin ang pagsasampa ng kaso ng tinakot at inabusong siklista laban sa dating pulis na sangkot sa road rage ay isang pag-arteng hindi akma sa kanyang posisyon. ‘Di hamak na mas may bigat ang ebidensiya ng viral video kaysa kanyang malamyang pagpoprotesta. Naniniwala marahil ang heneral na dapat na tanggapin na lang natin ang kanyang mga sinasabi gayung konkreto ang pruwebang nakita natin mismo.

Ang self-righteous proclamation ni Torre na ang isang pulis na may mataas na posisyong tulad niya ay hindi gagawa ng ganoon ay isang kumbinyenteng pambabalewala sa napakaraming insidente kung saan nagamit ang kapangyarihan sa maling paraan. Oh, siyempre naman, hindi niya hahayaang ang katotohanang ito ay mag-iwan ng dungis sa kanyang malinis na record.

Kahit sinong nakapanood sa biglaang press conference, kung saan iprinisinta ang motorista at ang kanyang baril, ay magsasabing hindi lamang ang dating pulis na napanood bilang nanggigigil sa galit na motorista sa video, si Mr. Wilfredo Gonzales, ang inuuri ng mga nanonood.

Marami sa atin ang mataman ding inobserbahan ang reaksiyon ng pinakamataas na heneral ng Quezon City Police District sa insidente, nag-aabang na buong pagkadismaya niyang ipagtanggol, bilang bahagi ng kanyang one-star duty, ang siklista laban sa armado at pasaway na motorista. Pero ano ang nakita natin — isang walang reaksiyon, walang imik na pulis na kaagad nakapagpatawad? Saan ang angas mo, general?

Sa ngayon, nakakaaliw panoorin ang pagsisikap niyang idistansiya ang sarili mula sa retiradong pulis na “walang maiaalok” sa kanya para sugalan niya ito, ayon sa “leaning Torre” ng QC. Napakabuti naman niya para mag-claim ng immunity sa maliliit na bagay. At sa nakabimbin niyang pakikipag-ugnayan kay Atty. Raymund Fortun, nakakabilib naman — isa ba iyong courtesy call o isang tunay na panininindigan para sa katarungan? O napagtanto lang marahil ng QCPD director ang kanyang pagkakamali nang magkaroon ang kawawang siklista ng abogado na isang kilalang legal expert.

Samantala, ang nakagugulat na mga rebelasyon ni Atty. Fortun ay nagbigay ng kaliwanagan sa malabong mga pahayag ni Torre: tinakot daw ang kanyang kliyente para papirmahin sa isang kasunduan, pinuwersang akuin ang pagkakamali, at kinotongan ng P500, pawang nagpapakita sa nakadidismayang ugali ng pulis. Nariyan pa ang mga napapaulat na pagbabanta laban sa nag-upload ng video. Isang walang pakundangang pagtatangka na manakot, pero laging nananaig ang katotohanan sa bullying. Tama ba, Senor Gonzales at Kapitan Heneral Torre?

Ang listahan ng mga isasampa pang reklamo ang nagsisilbing simbolo ng pag-asa sa gitna ng kaguluhang ito. Nakakatuwang malaman na sa kabila ng mistulang pananakot ni Torre, mayroong mga handang gamitin ang kanilang civic duty upang mapanagot ang mga opisyal ng gobyerno, tulad ni Mr. Gonzales.

Ipinagyabang ni Torre na hindi raw siya magiging heneral kung hindi siya nakatutupad sa sinumpaan niyang tungkulin. Eh, nagkakamali rin naman tayo minsan.

*        *        *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

Previous articleSURIIN ANG IBOBOTONG BRGY LEADERS
Next articleMAG-INGAT SA PAGIGING ‘COURIER’  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here