Home NATIONWIDE Isa pang Chinese fugitive kasama sa LP POGO raid

Isa pang Chinese fugitive kasama sa LP POGO raid

MANILA, Philippines – Positibong nakilala ang isang Chinese fugitive sa mga nasagip na manggagawa mula sa raid sa isang establisyimento sa Las Piñas City noong Hunyo, sinabi ng Philippine National Police (PNP) ngayong Lunes.

Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na ang pugante ay kinilala bilang isa sa mga “big boss” ng kumpanya na ni-raid ng mga awtoridad dahil sa hinihinalang ilegal na aktibidad.

“Noong in-apply natin ang search warrant ay kinilala na po siya bilang isa sa mga boss ng Hong Tai company,” sabi ni Fajardo.

“Noong nag-background check na po ang embassy ay alam po natin, nagbigay po sila ng document na may warrant of detention na rin pala ito at lumalabas po noong chineck, isa pala siya doon sa mga big bosses ng company,” dagdag pa ng opisyal.

Nauna nang natuklasan ang apat na Chinese at tatlong Taiwanese fugitive sa mga nasagip na manggagawa. Itinurn-over sila sa Bureau of Immigration noong July 7 para i-deport.

Noong Hunyo 26, nagpatupad ng search warrant ang mga awtoridad sa isang compound sa Las Piñas dahil sa umano’y sitwasyon ng human trafficking.

Iniulat ng pulisya na 1,534 na Pilipino at 1,190 dayuhan ang nailigtas mula sa raid.

Ayon kay Fajardo, natuklasan din ng mga awtoridad ang dalawang menor de edad — isang Indonesian at isang Malaysian — sa mga nasagip na manggagawa.

Arestado naman ang limang Chinese na suspek na kinilalang sina Li Jiacheng, alyas Li Jiachang, Xiao Liu, alyas Xiao Lin, Yan Jiayong, alyas Pan Wen Jie, Duan Haozhuan, at LP Hongkun, alyas Li Yang, at isinailalim sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ).

Pero ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, inutusang palayain ang limang Chinese dahil sa kawalan ng ebidensya. RNT

Previous article300 tonelada ng bangus nagsimatayan sa Batangas
Next articleMJ, nagbago ang isip, E.A.T. mas pinili kesa EB!