MANILA, Philippines – Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang insidente kaugnay sa pagkamatay ng isa pang PCG personnel sa Cavite.
Ayon sa inisyal na impormasyon ibinahagi ng NBI-Death Investigation Division (DID), bagamat hawak na nila ang insidente ay wala pa silang natatanggap na initial investigation report.
Kinilala ang apprentice seaman na si Mori B. Caguay.
Nagsagawa na ang NBI Medico-Legal Division (MLD) ng autopsy sa bangkay ni Caguay ngayong araw, Nobyembre 21.
Ayon sa NBI, ang official report sa autopsy ni Caguay ay inihahanda pa ng NBI-MLD.
Kamakailan ay isa ring PCG trainee ang iniulat na nalunod sa nasabing pagsasanay sa Palawan. Jocelyn Tabangcura-Domenden