Home HOME BANNER STORY Isa pang suspek sa pamamaril sa Remate photog, arestado!

Isa pang suspek sa pamamaril sa Remate photog, arestado!

588
0

MANILA, Philippines – NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa pang suspek sa pamamaril sa Remate photojournalist at pamilya nito na nangyari noong HUnyo 29, 2023 sa kahabaan ng Corumi St., corner Gasan St., Brgy. Masambong, Q.C.

Nitong Biyernes, Hulyo 14 ay iprinisenta mismo ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III sa mga mamamahayag ang suspek na si Jomari Dela Cruz, 24 anyos, residente ng Phase 3, Block 2, Lot 8, PCS 53, Southville 3, Poblacion, Muntinlupa City.

Nadakip si Dela Cruz, bandang alas-4:30 ng hapon nitong Huwebes sa Solid North Transit Bus Terminal na matatagpuan sa No. 676 EDSA, Cubao, Q.C.

Ayon sa ulat ni Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) PMAJ Don Don Llapitan, nagsagawa sila ng follow-up operation matapos may nagbigay ng impormasyon mula sa confidential informant na ang suspek ay darating sa bus terminal makaraan ang ilang araw na pagtatago sa lalawigan ng Pangasinan.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng surveillance ang kapulisan sa lugar at kanilang namataan si Dela Cruz na naglalakad sa harap ng terminal na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang caliber 9mm pistol na may isang magazine at may walong bala na nakalagay sa kanyang gray na sling bag.

Nasa kustodiya na si Dela Cruz ng CIDU kasama si Almario na naunamg naaresto nitong Hulyo 7.

Kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isa pang kasong kakaharapin ng suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Patuloy naman ang paghahanap ng QCPD sa iba pang mga suapek na nasa likod ng krimen.

“Binabati ko ang QCPD sa kanilang pagsusumikap na mahuli ang suspek na ito. Sisiguraduhin nating papanagutan niya ang kasong isasampa laban sa kanya,” pahayag ni Torre III. Jan Sinocruz

Previous articlePILIPINAS UMANGAT SA IKATLONG PUWESTO SA INVESTORS RELATIONS REPORT
Next articleHEALTH CENTERS SA MAYNILA, MALAKI ANG IPINAGBAGO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here