MANILA, Philippines – Naaresto na ng pulisya ang isa sa anim na suspek sa pagnanakaw sa isang kainan sa Imus, Cavite.
“Kasalukuyan pong nasa prosecutor’s ‘yung mga personnel po ng PNP para po mag-file ng kaso for robbery. Dito nga po sa anim na suspect ay isa nga po d’yan ay nahuli na po kahapon,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo nitong Miyerkules, Agosto 23.
Ani Fajardo, nakuhanan sa CCTV footage ang motorsiklo na umano’y ginamit sa krimen.
Natukoy na rin at natunton ang may-ari ng motorsiklo.
Isinasagawa pa rin ang follow-up operation sa insidente.
Ayon kay Fajardo, nasa P18,000 ang halaga ng natangay sa mga customer at mismong establisyimento.
Sa nag-viral na CCTV footage, makikita na tinutukan ng baril ng mga suspek ang mga customer ng kainan sabay kinuha ang kanilang mga pera, cellphone, bag at iba pang gamit.
Umalis sa lugar ang mga magnanakaw sakay ng tatlong motorsiklo. RNT/JGC