MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isa sa mga employer ng nawawalang kasambahay na natagpuang patay sa isang drum sa Cainta, Rizal dahil sa obstruction of justice.
Ayon sa pulisya, inihain na ang kaso laban sa babaeng employer ng biktimang si Maribel Vilma Bacsal dahil sa paulit-ulit na pagpigil sa imbestigasyon.
Pinigilan din nito ang mga awtoridad na pumasok sa kanyang tirahan at nagsinungaling pa nang sabihing ang amoy mula sa selyadong drum ay mula sa katawan ng nabubulok na hayop.
Kasalukuyang naka-hospital arrest ang suspek at bedridden nitong asawa.
Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang naturang krimen. RNT/JGC