Home NATIONWIDE Isa sa mga suspek sa Degamo killing, bumaligtad

Isa sa mga suspek sa Degamo killing, bumaligtad

MANILA, Philippines – Bumaligtad na ang isa sa mga suspek sa Degamo killing.

Nitong Lunes, Mayo 22 ay humarap si Jhudiel Rivero alyas Osmundo Rivero sa DOJ para panumpaan ang kaniyang kontra-salaysay at affidavit of recantation.

Ayon sa isa sa mga abogado ni Rivero na si Atty Harold Montalbo, una na nilang hiniling sa DOJ prosecutors na muling buksan ang pagdinig sa mga reklamong murder, frustrated murder at attempted murder laban sa kanilang kliyente.

Sinabi ng legal counsel na binawi na ni Rivero ang nauna niyang tatlong salaysay na umaamin ng kaniyang partisipasyon at nalalaman sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sa limang pahinang kontra-salaysay ni Rivero, sinabi nito na tinorture at pinilit lamang siya ng pulisya na ituro si Congressman Arnolfo Teves Jr. na siyang nag-utos na patayin si Degamo.

Binantaan din umano si Rivero ng mga pulis na kung hindi ito aamin ay ipapahamak ang kaniyang pamilya.

Dahil aniya sa takot ay sumunod na lang si Rivero kahit hindi niya kilala o nakausap si Teves.

Pinayuhan din umano si Rivero ng abogado mula sa PAO na ibinigay sa kaniya na sumunod na lang sa mga gusto ng pulis.

Ayon pa kay Rivero, ipinaliwanag ng kaniyang pribadong abogado na labag sa karapatan nito ang ginawa ng mga pulis.

Inihayag pa ni Rivero na kinuha ang kaniyang pamilya noong Marso 8 at hanggang ngayon ay hindi niya alam kung nasaan ang mga ito.

Si Rivero ay dating sundalo at ikaapat sa mga nahuling suspek noong Marso 5 sa Bayawan City. Teresa Tavares

Previous articlePinsala sa nasunog na Central Post Office, aabot sa P300M – BFP
Next articleDemotion ni Arroyo, patunay na pinaghinalaan sa coup vs Romualdez – solon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here