Home HOME BANNER STORY Isabela governor, nagpasaklolo na sa US Embassy, DOST sa nawawalang Cessna plane

Isabela governor, nagpasaklolo na sa US Embassy, DOST sa nawawalang Cessna plane

100
0

ILAGAN, ISABELA-Halos magda-dalawang linggo na kung kaya’t humihiling na ng tulong si Gov. Rodito Albano sa Embahada ng Estados Unidos at DOST sa karagdagang pwersa sa paghahanap sa nawawalang Cessna 206 Plane.

Ayon kay Gov. Rodito Albano, pahirapan pa rin ang paghahanap sa Cessna Plane kahit nasa mahigit tatlong daan nang rescuers ang nagtutulong-tulong na sumusuyod sa mga kabundukan ng Sierra Madre.

Dahil dito ay humiling na sila ng tulong sa American Embassy at sa DOST dahil may mga bago umano silang equipment para madaling mahanap ang nawawalang eroplano.

Aniya may mga eroplano rin silang kayang lumipad ng aabot sa pitong oras na malaking tulong sa paghahanap sa nawawalang eroplano.

Kahit maraming team na ang nagtutulong-tulong sa paghahanap ay wala pa ring positibong resulta dahil sa napakalawak at masukal na kabundukan ng Sierra Madre na kung titingnan sa taas ang mga bundok ay mistulang broccoli dahil sa masukal na kagubatan.

Bagamat pahirapan ang paghahanap ay tiniyak ni Gov. Albano na patuloy ang puspusang paghahanap ng rescue teams sa eroplano at sa mga pasahero nito.

Kasabay nito ay narating na rin nila ang alpha site ngunit ang mga nakita lamang nila ay mga puting balat na mga punong kahoy.

Samantala, nagsasagawa na rin ng paggalugad sa mga karagatan na bahagi ng coastal town at karatig baybayin ng lalawigan. Rey Velasco

Previous article4 Pinoy na ginawang crypto scammer sa Myanmar, sinagip
Next articleDalagang criminology student pisak sa bus