Home ENTERTAINMENT Isabelle, nakalikom ng almost P1M sa kasambahay na binugbog!

Isabelle, nakalikom ng almost P1M sa kasambahay na binugbog!

327
0

Manila, Philippines – Originally, P300,000 lang ang kailangang malikom ni Isabelle Daza sa kanyang fundraising campaign para tulungan ang umano’y inabusong domestic helper ng kanyang employer.

Kinilala ang kasambahay bilang si Elvie Vergara who was allegedly abused by her employer physically, mentally at verbally.

Dininig na ang kaso sa Senado kung saan mariing itinanggi ng amo ni Elvie ang nasabing paratang.

To make matters worse, impaired ang sense of sight ni Elvie which would require an operation sa isang mata with the hope na manunumbalik din ang vision sa isa niyang mata.

‘Yun nga lang, wala raw kasiguraduhan if the post-op outcome will turn out that way.

Dito na naantig ang damdamin ni Isabelle na tulungan si Elvie sa kalupitang dinanas niya sa mga kamay ng amo sa Occidental Mindoro.

Isabelle wasted no time to be able to raise funds, na hindi niya inakalang lalampas pa sa kanyang goal.

Aabot kasi sa mahigit P783,000 ang nalikom niyang pera!

“This is insane! I’ll make sure this money reaches her,” pangako ni Isabelle.

Of course, she was able to realize her goal with the help of her celebrity friends.

Bukod sa kanyang ina na si Gloria Diaz, nag-abot din ng pinansyal na tulong ang mag-asawang Erwan Heussaf at Anne Curtis, Nico

Bolzico at Solenn Heusaff, Raymond Gutierrez, Alex Gonzaga, Dra. Vicky Belo, among others.

Tunay naman talagang kapuri-puri ang ginawa ni Isabelle, kaya ang nagkakaisang dalangin sa kanya ng ating mga kababayan: may her tribe increase! Ronnie Carrasco III

Previous articleAtom Araullo naghain ng P2M civil suit vs Badoy, Celiz sa ‘red tagging’
Next articlePag-aalis ng rice price cap dedesisyunan sa loob ng dalawang linggo – DTI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here