Home NATIONWIDE Isang buwang break ng mga guro, makatutulong sa PISA performance ng Pinas...

Isang buwang break ng mga guro, makatutulong sa PISA performance ng Pinas – DepEd

MANILA, Philippines – Maaaring makatulong sa pagpapabuti ng performance ng Pilipinas sa susunod na Philippines in the next Programme for International Student Assessment (PISA) ang 30 araw na tuloy-tuloy na bakasyon para sa mga guro sa Hunyo.

Sa pinakabagong Department Order 003, sinabi ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Francis Bringas na hindi nila bibigyan ng voluntary o mandatory tasks ang mga guro mula Hunyo 1 hanggang 30, 2024, upang makapagpahinga sa pagtatapos ng kasalukuyang school year.

“[Ito’y] para ma-enjoy talaga nila ang vacation nila dahil in the past, marami tayong mga DepEd-initiated activities pa rin during the summer season, during the two-month break. Nababawasan ang time ng mga mag-aaral, lalo ng mga teacher, na magpahinga after each school year,” ani Bringas sa panayam.

Naniniwala ang opisyal na hindi makakaapekto ng negatibo ang naturang hakbang para sa performance ng bansa sa international large-scale assessments katulad ng PISA.

“In fact, makakatulong siguro ito dahil sa pag-aaral sa ating mga researchers, nakikita na overworked ang ating mga teachers at masyadong congested ang ating curriculum na napapagod ang mga mag-aaral. So this is a much welcomed break for all of them,” dagdag ni Bringas.

Mas maaga ang pagtatapos ng school year 2023-2024 bilang paghahanda sa pagbabalik ng lumang school calendar na Abril at Mayo bilang summer vacation sa susunod na taon.

Itinakda ang pagtatapos ng kasalukuyang school year sa Mayo 31, 2024, habang ang SY 2024-2025 ay magsisimula sa Hulyo 29, 2024 at magtatapos sa Mayo 16, 2025. RNT/JGC

Previous articleMga dayuhang mangingisda na gumagamit ng cyanide, pananagutin ng DOJ
Next articlePeople’s initiative tablado sa INC