Home NATIONWIDE Isinulong ni Bong Go: UMENTO SA SAHOD NG MGA TAGA-GOBYERNO

Isinulong ni Bong Go: UMENTO SA SAHOD NG MGA TAGA-GOBYERNO

MANILA, Philippines- Muling iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukalang pagtataas ng suweldo ng mga empleyado ng pampublikong sektor kasabay ng presentasyon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa panukalang 2024 National Expenditure Program (NEP) sa Senate Finance Committee noong Martes.

Bagama’t nakabinbin pa rin ang Salary Standardization Law (SSL) 6, pinuri ni Go ang mga finance mamnager ng kasalukuyang administrasyon sa paghahanda ng mga mapagkukunan ng pondo para sa layuning ito.

Binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng SSL 5 na ipinasa noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bilang tugon sa pagtaas ng halaga ng pamumuhay.

“This year is the last year of the implementation of Republic Act No. 11466 or the Salary Standardization 5. Ito po ‘yung pinasa natin nung Duterte administration dahil na rin po sa pagtaas ng presyo ng bilihin. Isinusulong naman natin na magkaroon ng SSL. 6 para tuluy-tuloy ang pag-increase ng sweldo ng ating civil servants,” ani Go.

Kung maipapasa ang SSL 6, tinanong ni Go si Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman kung may sapat na budget para sa 2024? Nabatid niya na may naka-earmark na P16 billion para rito.

Kinumpirma naman ni Pangandaman na mayroong nakalaang pondo na P16.25 bilyon, ngunit kailangan aniya ng pagpapasa ng SSL 6 Law.

Tinanong din ni Go ang tungkol sa coverage ng SSL 6 at ang halaga ng alokasyon sa SSL 5 noong 2020 at sinabi ni Undersecretary Janet Abuel na “Mga P33 billion po sa first tranche, but for the entire four tranches po, about P133 billion but that was allocated four years .”

Kung sasapat ba ang P16 billion, sinabi ni
Pangandaman na kulang pa ito ngunit binanggit ang posibilidad ng pag-access sa iba pang compensation at lump sum funds.

“Kulang pa po. But we have po dun sa MPBF (Miscellaneous Personnel Benefits Fund). Meron po kasing other compensation na lumpsum fund, pwede pa po s’yang gamitin. Pwede pong i-access ‘yung lumpsum fund na ‘yun if magkulang. po yung P16.95 billion na yun,” anang kalihim.

Nagpahayag si Go ng kahandaang gawin ang kinakailangang batas para sa susunod na pagtataas ng suweldo ng mga empleyado ng gobyerno.

Tiniyak ni Pangandaman kay Go na magkakaroon ng resulta ng pag-aaral sa Government Commission for GOCCs (Government-Owned and Controlled Corporation) sa Oktubre.

Lubos na pinasalamatan ni Sen. Go ang DBM sa pagsasabing “Maraming salamat po at inaabangan ito ng ating mga government workers.”

Si Go ang nag-akda at nag-co-sponsor ng SSL5 noong 2019 na nagbigay-daan sa ikalimang round ng pagtaas ng suweldo ng mga civilian employee ng gobyerno. RNT

Previous article75% ng mga Pinoy ‘competent’ sa wikang Filipino;  47% sa Ingles – sarbey
Next articleVFA sa ‘major ally’ malapit sa Tsina, sinisilip ng DFA