Home ENTERTAINMENT Isko, papasukin daw ulit ang pulitika, kakainin ang sinabi?

Isko, papasukin daw ulit ang pulitika, kakainin ang sinabi?

Manila, Philippines – Will Isko Moreno rethink his decision na hindi na muling sasabak sa pulitika come 2025 elections?

Ito ang tanong na hinahanapan ng sagot ng mga tagasuporta ng dating Manila City mayor na umaasang he’ll run for senator.

Matatandaang nakapagsalita na si Isko noong bagong pasok pa lang siya bilang regular host ng noo’y Eat Bulaga pa lang ang pamagat, na ngayo’y Tahanang Pinakamasaya na!

Isko was saying with finality na nakapagpasya na raw siya: no to politics ever again.

Kaso, diskumpiyado lalo na ang mga viewers ng TP makaraan ang episode nito noong Sabado.

Nakibahagi kasi ang TP sa Pasalamat Festival sa Pagadian City.

Kitang-kita at ramdam na ramdam kung gaano kainit tinanggap doon si Isko.

Ikinagulat nga rin daw ‘yon ng cohost sa TP na si Paolo Contis.

Pumatok din kasi ang segment ni Isko na G sa Gedli, kung saan pinamilian ang mga binaliktad ding salita na Nanka at Wakali.

Malaking bentahe rin ang mga malalaking papremyong ipinamigay nila.

Judging from the crowd turnout, posible raw na magbago ang isip ni Isko.

That is, “kakainin” daw niya ang kanyang sinabi na goodbye politics na siya.

Kapag nagkataon, magsasalpukan

ang mga balitang senatoriables na pulos mga TV hosts.

Aside from Isko, he’ll be up against Tito Sotto and Willie Revillame.

If true, may the best man win na lang! Ronnie Carrasco III

Previous articleContribution hike ng Philhealth dapat magresulta sa mas maayos na serbisyo – PBBM
Next articlePITX magdaragdag ng bagong ruta ngayong 2024