Home ENTERTAINMENT Isko, tanggap na no. 2 sa EB ang TP!

Isko, tanggap na no. 2 sa EB ang TP!

Manila, Philippines – Kuntento na si Isko Moreno na pumapangalawa lang sa Eat Bulaga ang kanilang noontime show sa GMA.

Tanggap nga ng isa sa mga host ng Tahanang Pinakamasaya na No. 1 ang rival show sa TV5.

Ever since pa naman daw ito.

Pero may mga times din naman daw that TP is riding high, ratings-wise.

‘Yun ay noong nagsisimula pa lang daw sila: “Dikit, eh! But we’re showing good numbers!”

Isko likewise dismissed the public perception that TP got shaken lalo na noong maipanalo ng EB ang kaso nito laban sa Tape, Inc.

Aniya: “Shaken, yes but not disheartened. Korte na kasi ang nag-decide and we don’t have control over that!”

Mas kontrolado raw nila kung ano ang lalamanin ng TP.

“What we have full control is that we have to come up with a better show our audience will like,” pahayag niya.

Ano naman ang take ni Isko sa mga nagsasabing napakahaba naman daw ng napili nilang pamagat?

Tugon niya: “I think the program title speaks for itself. Pinakamasaya ang tahanan namin!”

Okay na rin daw kay Isko ang 30 to 35 minutes na commercial nito kada araw.

Sa tinuran ni Isko that TP ranks second to EB, it obviously means na kulelat ang It’s Showtime which airs on GTV.

Ano kaya ang reaksyon ni Vice Ganda, will she concede? Ronnie Carrasco III

Previous articleMost Wanted sa panghahalay kalaboso
Next articleKris, nagpaka-faney kina Heart at Jerico!