Home NATIONWIDE Isolated rains posible sa ilang parte ng Pinas sa easterlies

Isolated rains posible sa ilang parte ng Pinas sa easterlies

MANILA, Philippines – Ang easterlies ay magdadala ng maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa ilang bahagi ng bansa sa Martes, iniulat ng PAGASA.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies at localized thunderstorms na may posibleng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog.

Ang bilis ng hangin para sa Hilagang Luzon ay mahina hanggang sa katamtaman na kumikilos sa direksyong silangan hanggang hilagang-silangan habang ang mga baybaying dagat ay magiging banayad hanggang sa katamtaman.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang paggalaw sa hilagang-silangan hanggang hilagang direksyon habang ang mga tubig sa baybayin ay bahagyang hanggang sa katamtaman.

Sumikat ang araw ng 6:01 a.m., habang lulubog ito ng 6:07 p.m. RNT

Previous articleMGA PINOY SA HAITI IBAKWIT NA
Next articleHigit P160M lotto jackpots ‘di napanalunan