Home NATIONWIDE Israel-Hamas conflict ‘di na giyera, terorismo na

Israel-Hamas conflict ‘di na giyera, terorismo na

Nakipagpulong si Pope Francis nitong Miyerkules  sa mga Israeli na kamag-anak ng mga hostage na hawak ng Hamas at Palestinians na may pamilya sa Gaza at sinabing ang labanan ay umabot sa digmaan upang maging “terorismo.”

Sinabi ni Francis sa harap ng mga tao sa St. Peter’s Square matapos ang kanyang pakikipagpulong  kung paano direktang nagdurusa ang bawat panig.

“This is what wars do. But here we have gone beyond wars. This is not war. This is terrorism,” sabi ni Francis.

Humingi siya ng mga panalangin upang ang magkabilang panig ay hindi magpatuloy sa kanilang passion na humahantong sa pagpatay.

Ang mga pagpupulong at komento ng papa ay kasunod  matapos magkasundo ang gobyerno ng Israel at Hamas na ihinto ang putokan sa Gaza sa loob ng hindi bababa sa apat na araw, magbigay ng tulong at palayain ang hindi bababa sa 50 hostage na nahuli ng mga militante kapalit ng hindi bababa sa 150 Palestinian na nakakulong sa Israel. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleKelot, bebot, tiklo sa bigong pagpatay, droga
Next articleAngkas PH, pinuri sa malasakit sa mga riders at pasahero