Home NATIONWIDE Israel-linked tanker pinasok ng mga armado sa dagat na sakop ng Yemen

Israel-linked tanker pinasok ng mga armado sa dagat na sakop ng Yemen

YEMEN – Nakubkob ng mga armadong indibidwal ang isang tanker na may kaugnayan sa Israel-affiliated company, kinumpirma ng US defense official.

“There are indications that an unknown number of unidentified armed individuals seized the M/V Central Park in the Gulf of Aden Nov. 26. US and coalition forces are in the vicinity and we are closely monitoring the situation,” pagbabahagi ng opisyal sa news agency na AFP.

Sinabi ng maritime security firm na Ambrey na “US naval forces are engaged in the situation” makaraan ang insidente sangkot ang Central Park, na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng UK-based, Israel-linked company.

Ayon naman sa may-ari nitong Zodiac Maritime, kabilang sa 22 crew na sakay ng barko ay mga Russian, Vietnamese, Bulgarian, Indian, Georgian at Filipino nationals, at ang kapitan nitong Turkish.

Kamakailan ay nagbabala ang Iran-backed Huthi rebelds ng Yemen na aatakehin ang tanker kung hindi ito lilihis patungo sa port of Hodeida.

Dagdag ng Ambrey, ang pagsakay ng mga armadong kalalakihan ay nangyari malapit sa Yemeni port city ng Aden, ayon sa ulat ng isa pang barko na naroon sa lugar na “an approach by eight persons on two skiffs wearing military uniforms.”

Ang pinakahuling insidente ay kasunod ng hinihinalang Iranian drone attack sa Indian Ocean noong Biyernes na nakapinsala sa isang Israeli-owned cargo ship. RNT/JGC

Previous articleTaas-presyo sa produktong petrolyo, asahan bukas!
Next articleBagong historical landmark pinasinayaan sa Valenzuela City