Home NATIONWIDE Israel nagkasa ng air strike vs Gaza

Israel nagkasa ng air strike vs Gaza

GAZA – Nagkasa ng air strike ang Israle sa central Gaza Strip madaling araw ng Huwebes, Pebrero 2.

Ito ay ayon sa mamamahayag na AFP at mga nakasaksi, kung saan pinalipad ang mga rocket sa Palestinian territory.

Ang mga rocket na ito ay nakatutok sa Gaza, kung saan narinig din ang mga malalakas na pagsabog sa lugar bandang alas-3:15 ng madaling araw.

Sa pahayag, kinumpirma ng Israeli army na tinitira nga nila ng air strike ang Gaza strip.

Ayon sa local security fources at mga nakasaksi, ang unang strike na may pitong rocket, ay tumama sa training center ng Ezzedine al-Qassam Brigades, armed wing ng Palestinian Islamist movement na Hamas.

Ito ay matatagpuan sa Al-Maghazi refugee camp sa sentro ng Gaza Strip.

Ang ikalawang round naman ng air strikes ng Israeli army ay nakatarget sa training center ng al-Qassam Brigades sa timog-kanluran ng Gaza City. RNT/JGC

Previous articlePagpasa sa full insurance coverage sa agrarian reform farmers, pinuri ng AGRI
Next articleUS tutulong sa AFP modernization – PBBM