BEIRUT/JERUSALEM- Patay sa Israeli strike sa isang sasakyan sa south Lebanon ang tatlong bata at kanilang lola nitong Linggo, ayon sa Lebanese authorities, habang sinabi naman ng Israeli army na napaslang sa Hezbollah attack mula Lebanon ang isang Israeli citizen sa northern Israel.
Inihayag ng Iran-backed Lebanese group Hezbollah na rumesponde ito sa Israeli strike, kung saan tatlong babaeng edad 10 hanggang 14 ang nasawi, sa paglulunsad ng grad rockets sa bayan ng Kiryat Shmona sa northern Israel.
Ito ang unang pagkakataon na inanunsyo ng Hezbollah ang paggamit ng armas na ito sa loob ng apat na linggong sagupaan sa Israeli forces.
“The enemy will pay the price for its crimes against civilians,” giit ni Hezbollah lawmaker Hassan Fadlallah.
Anang militar ng Israel, inatake nito ang sasakyang “identified as a suspected transport for terrorists” sa Lebanon nitong Linggo, at sinusuri ang mga ulat na mayroon itong sakay na mga sibilyan.
Tinawag ito ni Lebanon’s caretaker Prime Minister Najib Mikati na “heinous crime.” Sinabi naman ni Foreign Minister Abdallah Bou Habib na magsusumite ito ng reklamo sa United Nations sa pagpatay sa mga sibilyan, kanilang ang mga bata, sa pag-atake. RNT/SA