Home NATIONWIDE Israeli diplomat pinagsasaksak sa China

Israeli diplomat pinagsasaksak sa China

CHINA – Pinagsasaksak ang isang Israeli diplomat ng hindi pa natutukoy na salarin sa gilid ng daan sa Beijing, China.

Nangyari ang insidente matapos magdeklara ang militanteng grupong Hamas ng ‘day of rage’ laban sa mga Israeli sa buong mundo.

Sa kabila ng tinamong mga saksak sa katawan, nagawa pang makipagbuno ang Israeli diplomat laban sa suspek.

Bagaman maraming nakasaksi sa insidente, walang makalapit para saklolohan ang biktima.

Inulat ng local media na ligtas at stable na ang kalagayan ng biktimang diplomat.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa ginawang pag-atake sa biktima. RNT

Previous articlePamilya ng nasawing seaman sa UAE humihirit ng malalimang imbestigasyon
Next articleItinakdang gastos ng kandidato sa kampanya, pinatataasan ni Lapid