Home NATIONWIDE Israeli envoy nakiramay sa pamilya ng nasawing Pinoy sa Hamas attack

Israeli envoy nakiramay sa pamilya ng nasawing Pinoy sa Hamas attack

MANILA, Philippines- Nag-alok ng pakikiramay nitong weekend si Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa pamilya ni Angelyn Aguirre, isa sa overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa Hamas attacks sa Israel noong nakaraang buwan.

Sinabi ni Fluss na ipinaabot ni Consul Moti Cohen ang kanyang pakikidalamhati at ipinagbigay-alam sa pamilya  Aguirre family na makatatanggap sila ng mga benepisyo dahil kabilang si Angelyn sa Victims of Terror.

“I heard stories about Angelyn from her family and friends. She was a caring and loving person. May her memory be blessed,” wika ni Fluss.

Patay sa pamamaril si Aguirre matapos tumangging iwan ang matandang pasyente nito sa gitna ng pag-atake ng Hamas noong oktubre 7. Iniuwi ang kanyang bangkay sa Manila nitong Biyernes, Nobyembre 7.

“Despite having a chance to flee the Hamas terror attacks, Angeline showed unbelievable humanity and loyalty by remaining at Nira’s side during the violence, resulting in both of them being brutally murdered by Hamas,” ani Jerusalem Deputy Mayor Fleur Hassan Nahoum.

Nauna nang sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio na naghanda ng hero’s welcome para kay Aguirre.

Apat na Pilipino ang kumpirmadong namatay sa gitna ng kaguluhan sa Israel: Loreta Alacre, 49; Paul Vincent Castelvi, 42-anyos na caregiver; Grace Prodigo Cabrera; at Aguirre. RNT/SA

Previous articlePagkakadawit sa AFP destab rumors pinabulaanan ng ex-DICT chief
Next articlePagbaril kay ‘Johnny Walker’ kinondena ng NUJP