Home HOME BANNER STORY Issue ng Degamo slay, ginagamit para tabunan ang Maharlika bill – Teves

Issue ng Degamo slay, ginagamit para tabunan ang Maharlika bill – Teves

MANILA, Philippines – Naniniwala si Negros Oriental third district Rep. Arnolfo Teves na ang mga alegasyon laban sa kanya sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo ay ginagamit lamang para ilayo ang publiko sa iba pang isyu ng bansa katulad ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Matatandaan na isa si Teves sa kumontra sa naturang panukala.

“Nakuha ko yung script eh. Di ba puputok na yung Maharlika fund? Siyempre, aangal ang taumbayan. Pero kung sinabay nila issue ni Arnie, anumang parusa yan, siyempre magiging mas malabnaw ang isyu ng Maharlika fund,” sinabi ni Teves sa panayam ng CNN Philippines.

Ipinaliwanag din ng mambabatas ang posisyon niya sa naturang panukala kung saan namemeligro umano ang pondo ng mga Filipino dahil dito.

“Ako, angal ako sa Maharlika fund dahil tingin ko talaga, yari tayo sa pondo. Delikado tayo sa future ng taumbayan natin because hindi dapat na isugal yung pera na hindi dapat isugal,” aniya.

Samantala, ibinahagi rin ni Teves na mas nagiging seryoso ang mga banta laban sa kanyang buhay.

Binanggit niya na ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang magpakita sa Kamara.

Bagama’t sinabi niya ito ay hindi na nagbigay pa ng mas maraming impormasyon si Teves kaugnay nito.

”Kaka-validate ko lang yung threat sa buhay ko. It’s getting worse,” aniya. RNT/JGC

Previous article855 dagdag-kaso ng COVID, naitala
Next articleExtinction risk dulot ng AI, posible – expert

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here