MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na nagsusumikap itong resolbahin ang isyu ng ₱2 bilyon na unliquidated cash advances na ipinahiwatig ng Commission on Audit (COA) sa 2022 annual audit report nito.
“Hon. G. E. M. Garcia, at the beginning of his term as Chairman of the Commission on Elections, included in his priority agenda, among others, the liquidation of unsettled cash advances and institutionalization of reforms in all operations and administrative affairs of our agency, heightened with the enhanced policies of transparency, accountability and inclusivity,” anang Comelec.
Sinabi sa ulat na naka-upload sa COA website noong Hulyo 6 na ang ₱2.169 bilyon na cash advances ay nanatiling unliquified kahit na ang layunin kung saan ito ipinagkaloob ay naihatid na.
Ito ay salungat sa Section 89 ng Presidential Decree 1445, o ang Government Auditing Code of the Philippines, na nagsasabing “walang cash advance ang ibibigay maliban kung para sa isang legal na awtorisadong partikular na layunin.”
Sinabi rin sa COA circular na dapat liquidated ang cash advance mula lima hangang 60 araw depende sa layunin.
Sinabi ng Comelec na ang liquidation ng cash advances ay isang “continuing administrative process.”
Paglilinaw ng Comelec na sa mahigpit na koordinasyon sa Commission on Audit, ang lahat na natitira upang ayusin sa nasabing unliquidated cash advances, noong Hulyo 12, 2023, ay ang halagang ₱717,154,871.57,”
“This remaining amount are now continuously being liquidated as of writing.”
Dagdag pa ng ahensya na ang natitirang halaga ay inaasahang maaayos sa lalong madaling panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden