Home HOME BANNER STORY Isyu sa Chocolate Hills resort bubusisiin na rin ng Ombudsman

Isyu sa Chocolate Hills resort bubusisiin na rin ng Ombudsman

MANILA, Philippines – Tinitignan ng Office of the Ombudsman ang posibilidad na pagsasagawa ng motu proprio investigation sa kontrobersyal na resort sa loob ng Chocolate Hills protected area sa Bohol, sinabi ni Ombudsman Samuel Martires nitong Biyernes, Marso 15.

Tumanggi nang magbigay ng dagdag pang komento si Martires declined patungkol sa isyu at sinabing ang impormasyon sa kanyang opisina ay “under review” pa.

“May mga pangalan ibinigay sa akin kaya pinag-aaralan pa—binigay ko sa mga imbestigador para pag-aralan. If we feel that we have to investigate this motu proprio, then we will investigate motu proprio,” ani Martires.

Ayon sa Ombudsman, mayroong maliit na bahay sa Chocolate Hills bago pa ito ideklarang protected area.

“Meron nang maliit na bahay doon sa Chocolate Hills… pero hindi resort… It was prior to 1998 bago dineclare ni President Ramos na protected area,” aniya.

Ang Proclamation 1037, ay inisyu ni dating Pangulong Fidel Ramos noong Hulyo 1, 1997, kung saan idineklara ang Chocolate Hills bilang National Geological Monument and Protected Landscape.

Sa pahayag nitong Miyerkules, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang bahagi ng lupa ay titulado bago ang Proclamation 1037, at “the rights and interests of the landowner will generally be recognized and respected.”

“However, the declaration of the area as a protected area may impose certain restrictions or regulations on land use and development within the protected area, even for privately owned lands,” dagdag ng DENR.

Sa kaparehong pahayag, inanunsyo ng DENR na ang temporary closure order ay inilabas noong Setyembre 2023 at ang violation notice noong Enero 2024 laban sa resort na matatagpuan sa Barangay Libertad Norte, Sagbayan.

Sinabi ng Sagbayan municipal government at Bohol provincial government ay nalaman lamang ang kautusan ng DENR nitong Miyerkules.

Sa kaparehong araw, sinabi ng Captain’s Peak Garden and Resort na pansamantala na muna silang magtitigil-operasyon.

Matatandaan na umani ng sari-saring batikos ang naturang resort mula sa mga netizen na nasa paanan mismo ng burol ng Chocolate Hills. RNT/JGC

Previous articleBawas-presyo sa petrolyo sa sususod na linggo ‘di pa tiyak
Next articlePH pinaratangan ng China na ‘misleading int’l community’ sa isyu sa WPS