MANILA, Philippines – Iiral at makaaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Palawan habang ang easterlies ay magdadala ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao, iniulat ng PAGASA.
Ang katimugang bahagi ng Palawan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ. Gayunpaman, ang mga flash flood o landslide ay maaaring mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies at localized thunderstorms na may posibilidad ng flash flood o landslides na magaganap sa panahon ng matinding pagkulog.
Sumikat ang araw bandang 5:32 a.m., habang lulubog ito ng 6:30 p.m. RNT