MANILA, Philippines- Magpapaulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao sa ilang lugar ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.
Magiging maulap ang kalangitan sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Palawan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.
Samantala, inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms dahil sa ITCZ at localized thunderstorms.
Ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:33 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:30 ng hapon. RNT/SA