MANILA, Philippines- Magdadala ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ng maulap na kalangitan at ulan sa Southern Mindanao, ayon sa PAGASA.
Magiging maulap sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, and the southern portion of Palawan na sasabayan ng kalat na pag-ulan sa ITCZ.
Makararanas naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorm” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.
Ang wind speed forecast para sa Luzon ay light to moderate patungong southeast to south direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.
Inaasahan naman sa Visayas and Mindanao ang light to moderate wind speed patungong east to southeast direction na may slight to moderate coastal waters.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:32 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:30 ng hapon. RNT/SA