Home LAGAY NG PANAHON ITCZ magpapaulan sa Palawan, ilang bahagi ng Mindanao

ITCZ magpapaulan sa Palawan, ilang bahagi ng Mindanao

MANILA, Philippines – Magpapaulan sa Palawan at Mindanao ngayong Miyerkules, Hunyo 21 ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa PAGASA.

Ang BARMM, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Palawan ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil pa rin sa ITCZ.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil naman sa ITCZ at localized thunderstorm.

Pinag-iingat ang publiko sa pagbaha at pagguho ng lupa sa mga serye ng malalakas na pag-ulan. RNT/JGC

Previous articlePirma na lang ni Zubiri hinihintay sa Maharlika bill bago ipasa sa Palasyo – JV
Next articleLotto Draw Result as of | June 20, 2023