MANILA, Philippines – Iiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa mga probinsya sa Mindanao.
Sa weather forecast ng PAGASA, makararanas ngayong araw, Mayo 19, ang Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN at BARMM ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.
Posible itong magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa katamtaman hanggang may kalakasang pag-ulan.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ at localized thunderstorm.
Posible rin ang flash floods at landslide sa oras ng severe thunderstorm. RNT/JGC