Home ENTERTAINMENT Ivana, kinabog si Vice sa pag-shopping!

Ivana, kinabog si Vice sa pag-shopping!

Manila, Philippines – Months ago, naiulat namin dito sa Remate Online na pinag-shopping ni Vice Ganda ang anak ni Ethel Booba.

Inaanak kasi ito ng Unkaboggable Star.

Kulang-kulang P300k din ang halagang ipinamili ng TV host-comedian para sa bagets which included toys and dresses.

Buong akala nami’y hawak na ni Vice Ganda ang record bilang ninang who has spent the highest.

Pero kinabog pala siya ni Ivana Alawi.

Hindi lang pala nagpapaligsahan ang dalawa as social media influencers, sa larangan din ng pamimili.

In one of her her latest vlogs, makikitang kasama ni Ivana ang pamangking si Gabriel sa isang high-end department store.

Si Gab ang minsan nang pinagdudahang itinatagong anak ng sexy actress.

Hindi naman malinaw kung sino sa kaanak ni Ivana ang magulang ng bagets.

Isa lang ang tiyak: spoiled si Gabriel kay Ivana who he addresses as “Mamita.”

Paanong hindi spoiled? Eh, whatever item that Gabriel lay his hand on ay binibili agad ni Ivana at diretso na sa bitbit nilang shopping basket!

Ke mura o mahal, basta hinawakan ng bagets ay purchased na!

The funny part ay nang hawakan ni Gabriel ang tatlong units ng iPhone 15.

Walang choice si Ivana na bilhin ang mga ‘yon na nagkakahalaga lang naman ng tumataginting na P210k!

Sumahin n’yo ang halaga ng tatlong mamahaling cellphone plus ‘yun pang ipinamiling laruan, damit at sapatos, aba, kinabog nga ni Ivana si Vice Ganda!

Hindi ba kayo mapapa-“sana all”? Ronnie Carrasco III

Previous articleSharon, may babala sa mga anak!
Next articleStrong Group lumahok sa PVL, pumalit sa Gerflor franchise