Home ENTERTAINMENT Ivana, nag-flex ng kita sa vlog!

Ivana, nag-flex ng kita sa vlog!

Manila, Philippines – What the netizens are generally curious about ay kung magkano ang ganansya o kinikita ng isang vlogger.

Halimbawa na lang ay si Ivana Alawi with 16.6 million subscribers ng kanyang YouTube channel.

Siyempre, ipinagtataka nga naman ng mga netizens most especially in Ivana’s case ay ang kawalan naman nito ng masyadong showbiz commitments.

Nakakasapat daw ba ang kanyang vlog earnings? Does she get well-compensated?

For the first time in her latest vlog ay ibinida ni Ivana roughly how much she’s generating.

Ito’y para na rin daw sagutin ang paulit-ulit na pag-uusisa tungkol doon.

But even before she made the disclosure ay nilinaw muna ni Ivana na isa siyang diligent tax payer.

Aniya, her varying vlog earnings roughly range anywhere between P100k and P500k.

Kung tutuusi’y maliit pa nga ito kung babalikan ng mga netizens ang mga acts of charity niya.

Naroong mamahagi siya ng assorted grocery items, bigas, food packs, and not to mention: cash!

At hindi lang iilan ang nabibiyayaan ng pagiging bukas-palad niya!

Kaya sa laki bale ng kinikita niya from vlogging, afford ni Ivana na maghayahay at hindi muna lumabas regularly sa mga teleserye.

On top of this, meron pa siyang inheritance money mula sa kanyang Moroccan dad.

No wonder, most celebrities are also into vlogging: kumikita na sila doing light work, nag-e-enjoy pa! Ronnie Carrasco III

Previous articleDiego, lagot sa banta ni Cesar sa apo!
Next articleBinatilyo kinatay ng may sayad