Iwas-pasma tips para sa mga may work-from-home set-up, alamin

Iwas-pasma tips para sa mga may work-from-home set-up, alamin

March 26, 2020 @ 1:17 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines — Dahil sa sitwasyon ng enhanced community sa bansa, napilitan ang karamihan na manatili sa bahay at doon na lamang gawin ang trabaho, work-from-home ika nga.

 

Ngunit dahil walong oras karaniwang ginugugol ang trabaho, nakakaramdam din tayo ng pagod at pangangalay sa ilang bahagi ng ating mga katawan kagaya ng balikat, braso, kamay, hita o maging kasu-kasuan. Pinapaalalahanan din tayong huwag magbabasa matapos magbabad sa trabaho dahil maaari umanong magkaroon ng pasma.

 

Ayon pa sa kanila, maaaring magkaroon ng pasma pati ang mga mata. Pero ano nga ba ang pasma? Mayroon bang gamot para rito?

 

Sa Ingles, ito ang “spasm”. Ayon sa theAsianparent, ang spasm ay “nanginginig at pawis ang mga kamay, malamig ang likod at sumasakit o makirot ang kalamnan, kundi naman ay namamanhid.”

 

Madalas nakukuha ang spasm o pasma kapag masyadong naaabuso o nagagamit ang ating katawan kaya’t hindi nakakatapagtaka na maging ang mga mata natin ay hindi ligtas sa pagkakaroon ng pasma. Ngunit, paano nga ba maiiwasan ang pasma?

 

Ayon sa pananaliksik, makakatulong ang stretching exercises bago simulan ang isang mahaba-habang pagtatrabaho. Ugaliing ipahinga ang mga mata, kamay, balikat o anumang bahagi ng katawan bago magbasa ng tubig. Manatiling hydrated dahil makakatulong din ito. Kapag nakakaranas ng panginginig o sakit sa ilang bahagi ng katawan, magpahilot gamit ang VCO (virgin coconut oil) o anumang essential oils upang ma-relax ang mga muscle.

 

Tandaan, kahit nasa tahanan tayo ay siguruhin pa rin natin ang ating kaligtasan at panatilihin ang maayos na pangangatawan sa lahat ng oras. Work from home man, napapagod at napa-‘pasma’ rin ang karamihan sa atin. Remate News Team/MM

 

 

Share

Leave a Reply

Loading...