J.R. Smith kukunin ng Lakers

J.R. Smith kukunin ng Lakers

June 30, 2020 @ 11:58 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Los Angeles, California – Muling magsasama sina Los Angeles Lakers superstar LeBron James at J.R. Smith sa muling pagbubukas ng season ng National Basketball Association (NBA).

Kinumpirma ng Lakers na kukunin nila si Smith bilang dagdag pwersa sa koponan.

Pinalitan ni Smith si Avery Bradley na mas piniling hindi maglaro sa re-start ng liga dahil sa pangamba nito sa kanyang kalusugan.

Matatandaang naging malaking tulong si Smith sa pagkakuha ng Cleveland Cavaliers ng kanilang kampeonato noong 2016 kasama noon si James. Rico Navarro

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...