Home NATIONWIDE Jackpot sa Ultra Lotto 6/58, umabot na sa P132M; wala pa ring...

Jackpot sa Ultra Lotto 6/58, umabot na sa P132M; wala pa ring nananalo

442
0

MANILA, Philippines – Wala pa ring nananalo sa jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na mahigit P132 milyon.

Ito ay matapos ang naging draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Mayo 16, kung saan nakasaad na walang tumamang mananaya sa winning combination number na 28-41-45-23-58-38.

Sa kabila nito, mayroon namang apat na mananaya ang nakakuha ng lima sa anim na numero at makatatanggap ng premyong P120,000.

Advertisement

Samantala, wala ring nanalo sa Superlotto 6/49 draw sa winning combination number na
18-46-20-48-27-05, at may premyo sanang 27,697,304.40.

Maliban dito, wala ring nanalo ng P7,323,046 na jackpot prize sa Lotto 6/42 sa winning combination number na
25-41-28-04-09-01. RNT/JGC

Previous articleSanggol pinaliguan ng kumukulong tubig ng tiyuhin, patay
Next article1,088 dagdag-kaso ng COVID, naitala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here