Home ENTERTAINMENT Jak, may bagong raket; Netizen, nangialam sa diskarte!

Jak, may bagong raket; Netizen, nangialam sa diskarte!

Manila, Philippines – The latest to have joined the bandwagon na kinabibilangan ng ating mga celebrities who are into online selling ay si Jak Roberto.

Sariling negosyo ito ng Kapuso actor kung saan ipino-promote at ibinebenta niya ang mga produkto ng JC Essentials.

Mga men’s skin care products ito.

JC? Bakit hindi na lang ginamit ang initials ni Jak?

Anyway, credible namang i-push ng nobyo ni Barbie Forteza ang kanyang sariling product line dahil obyus namang maalaga siya sa kanyang balat.

Sa pamamagitan ng TikTok ang promotion at product selling naka-focus si Jak, kaya tiyak na meron itong wide reach sa market.

‘Yun nga lang, napapansin lalo na ng mga male netizens ang mahinang marketing strategy na pinaiiral ni Jak.

Limited daw kasi ang maaaring magbigay ng kuro-kuro sa comment box, kundi man bawal mag-comment!

Hindi nga raw matagpuan ng mga prospective customers ni isang comment ni Barbie at least congratulating her boyfriend and wishing him good luck on his business venture.

Consistent daw si Jak dahil kahit sa Instagram ay limitado rin o walang puwang at all ang mga comments.

Ang dahilan: umiiwas daw si Jak sa mga bashers at haters.

Granting na totoo ito, dapat ay applicable lang ito sa kanyang IG.

TikTok naman ang gamit niyang platform to benefit his products, wala man lang bang puwedeng magtanong na may kaugnayan sa kanyang skin care products?

Sigurista na ngayon ang consuming public.

Talagang kinikilatis nila ang bibilhin nilang produkto kung sulit ang kanilang ibabayad.

Besides, nasa showbiz si Jak.

Sa mundong ginagalawan niya’y dapat sanay na nga siya sa mga bashers at haters.

Payo ng marami kay Jak, he should rethink his business strategy kung gusto niyang magtagumpay sa negosyong pinasok niya.

To borrow the product brand: it’s essential! Ronnie Carrasco III

Previous article71 sakay ng RoRo sinaklolohan ng PCG sa N. Samar
Next articleOpisina ng DENR binulabog ng bomb threat