Home ENTERTAINMENT Jake, may hanash sa Kapamilya!

Jake, may hanash sa Kapamilya!

Manila, Philippines- Kapansin-pansin ang conspicuous absence ni Jake Ejercito sa Forever Grateful: The ABS-CBN Christmas Special.

Tinatayang umabot sa 300 Kapamilya stars ang dumalo sa maningning na event nitong December 13 sa Araneta Coliseum.

Ayaw namang pahuli ang mga kibitzers na animo’y mga network insiders na agad lumundag sa konklusyon na ang non-appearance daw ni Jake ay nangangahulugang may hinampo siya sa kanyang mother studio.

May kinalaman daw ang hanash ni Jake sa kanyang replacement to star opposite Kim Chiu in the Pinoy adaptation of the Korean series na What’s Wrong With Secretary Kim?

Gaya ng napaulat, Jake was replaced by Paulo Avelino.

Earlier ay napabalitang excited si Jake to play the role of Vice Chairman in the series originally portrayed by Park Seo-joon.

Jake’s supposed inclusion in the Pinoy version would have been a good reteam-up with Kim after their successful tandem via Fit Check:

Confessions of an Ukay Queen.

Obyus naman kasing pinalitan si Jake ni Paulo following the latter’s much-vaunted stint in the series Linlang which topbilled Kim.

But even then, nagmamaktol ang mga supporters ni Jake for the actor na anila’y pinaasa lang pala.

While Paulo fits the role to a T, iba rin ang dating had the role finally landed on Jake’s lap.

Paano kaya ito ipaliliwanag ng ABS-CBN?

Is the Kapamilya network eyeing Jake to star in another teleserye as a way to make amends?

Kunsabagay, sa mundo ng TV ay walang kasiguraduhan unless nasimulan nang gumiling ang camera.

May mga pagkakataon ngang pag minamalas-malas ang isang bituin, nagsimula na’t lahat ang proyekto ay bigla na lang itong mase-shelve.

Call it harsh reality of TV. Ronnie Carrasco III

Previous article3 tiklo sa Taguig sa P1.7M shabu
Next articleSolons, gov’t exec nanawagan sa DOTR: Bidding sa NAIA rehab project, palawigin!