Manila, Philippines – Huwag magtaka kung madalang kundi man literal na walang posts si Jake Zyrus sa social media.
Dahilan: he has imposed social media break upon himself.
Pagtuon daw sa kanyang mental health ang ibinigay na pangunahing dahilan ni Jake.
Kailangan daw niyang magpahinga sa social media bilang paraan ng pinagdaraanang self-healing process.
Pag-amin ni Jake sa kanyang Instagram post: “May mga taong gusto akong warakin, that’s why I’m taking a much-needed social media break.”
Inengganyo rin ng international singer ang iba pang mga tao na may suliranin as far as their mental health is concerned.
“This is your chance. Sabayan n’yo ako,” pangungumbinsi niya.
Hindi naman nilinaw ni Jake as to who’s trying to break or destroy her.
Matatandaang ang pinakahuli pang post ni Jake ay nang inilabas niya ang kanyang pagkainis sa mga taong pinipilit na binubuhay si Charice Pempengco.
Bago nag-come out bilang transman si Jake, nakilala siya bilang Charice Pempengco.
Aniya, huwag na raw ikumpara ang boses niya sa boses ni Charice.
As far as Jake is concerned, he takes offense at other people who still compare him with somebody who no longer exists.
Nadagdagan pa ang pagkabuwisit ni Jake sa pilit na pagkukumpara sa kanila ni Morisette Amon bagama’t hindi niya ito pinangalanan.
Kapwa kasi nakasama ni David Foster ang dalawang mang-aawit, prompting Jake’s mother Racquel Pempengco to draw a glaring comparison between the two.
Ani Racquel bilang pagbibida sa kanyang anak, maituturing na legendary si Jake na noong Charice ps ito’y binigyan ng standing ovation ng audience, samantalang wala si Morisette. Ronnie Carrasco III