Home ENTERTAINMENT Jalosjos, hindi bibitaw sa title ng Eat Bulaga; Abogado ng Tape, Inc.,...

Jalosjos, hindi bibitaw sa title ng Eat Bulaga; Abogado ng Tape, Inc., nanindigan!

Manila, Philippines- Eksklusibong na-interview ng Remate Online ang tumatayong legal counsel ng Tape Incorporated ng mga Jalosjos na si Atty. Maggie Abraham Garduque nang maimbitahan kami sa contract signing nina dating Manila mayor Isko Moreno at Paolo Contis sa APT Studio.

Agad naming inalam sa magandang celebrity lawyer ang tungkol sa kontrobersiyal na titulong ‘Eat Bulaga’ at kung ano na ang update sa pinagtatalunang trademark, at kung sino talaga ang totoong nagmamay-ari nito.

Ang Jalosjos ba o angTVJ?

“It has been renewed for several years, and there was no opposition for several years.
But for the Jalosjos, approved ‘yung registration nila ng trademark for Eat Bulaga. Pang-ilang renew na nila ‘yan.

“Nag-renew sila uli last June 14, 2023. Kasi ‘yon ‘yung lapse,” paliwanag pa ni Atty. Maggie.

Dagdag pa nito, “Under the rules, you can renew your trademark, 6 months before or six months after, after the lapse of the trademark, ng trademark mo. Kasi ‘yun pa rin, under the record of the IPO, ang Tape Incorporated pa rin ang merong approved registration ng trademark.”

By the way, natanong din namin kay Atty. Maggie yung tungkol sa theme song ng Eat Bulaga na si Bossing Vic Sotto ang siyang nag-compose.

Bakit sa noontime show ng TVJ sa TV5 ay same lang ‘yung melody ng kanta pero hindi nila mabanggit ang Eat Bulaga kundi yung titulong gamit nila na E.A.T. May alam ba siya tungkol rito?

“I don’t know about the theme song. But regarding the title of their show na E.A.T,. ‘yon ang ginamit nila kasi there is still a trademark dispute.

“About the copyright? Magkaiba kasi ang trademark at copyright. ‘Yung trademark kasi yung talagang pangalan. ‘Yung copyright, with regards ‘yon to the invention and mga work of arts,” pakli pa ng kaibigan naming palabang abogada.

Naku, lagot! Mukhang wala nang pag-asang magamit pa ng TVJ sa pangtanghaling programa ang titulong Eat Bulaga lalo’t noong Pebrero ngayong taon lang nila ipinarehistro ang nasabing pamagat o pangalan ng kanilang show.

So, makuntento na lang muna sila sa paggamit ng E.A.T!

This July 29, Sabado, ay may malaking sorpresang dapat na abangan ang Kapuso viewers ng Eat Bulaga at mamimigay sila ng mas malalaking premyo sa live audience at homeviewers.

At pasabog din ang kanilang guest celebrities na tiyak na ikagugulat ninyo.

Yes, ise-celebrate ng Tape, Inc. ang Eat Bulaga, na ang mga Jalosjos ang totoong owner ng malaganap na programa, ayon sa kanilang abogado. Peter Ledesma

Previous articleChinese suspects sa Las Piñas raid pinakawalan, kulang sa ebidensya – Remulla
Next articleMamahaling gov’t vehicle para sa PCG commandant, pinuna ng COA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here