Home NATIONWIDE Jalosjos humirit sa SC, Uy ‘wag munang paupuin na kongresista sa Zamboanga

Jalosjos humirit sa SC, Uy ‘wag munang paupuin na kongresista sa Zamboanga

MANILA, Philippines – Humirit ang kampo ni Romeo Jalosjos Jr. sa Supreme Court na huwag munang paupuin si Robert Uy bilang duly-elected Representative ng Zamboanga del Norte.

Sa isinumiteng immediate executory motion for reconsideration sa SC, sinabi ng legal counsel ni Jalosjos na si Atty Edward Guialogo, hindi dapat maging final and executory ang naturang kautusan ng SC dahil sa mababalewala lamang ang kanilang motion for reconsideration.

Sa oras aniya na mapaupo at naging miyembro ng Kamara si Uy ay mawawalan na ng jurisdiction ang SC sa kaso at mapupunta na sa House of Representatives.

Una nang pinawalang bisa ng Supreme Court ang proklamasyon kay Romeo “Kuya Jonjon” M. Jalosjos, Jr. bilang nanalong kongresista sa Zamboanga del Norte First District sa 2022 National and Local elections.

Sa halip, inatasan ng SC ang Commission on Elections na iproklama si Roberto ‘Pinpin’ T. Uy, Jr. bilang nanalong kongresista ng
Zamboanga del Norte First District sa naganap na 2022 National and Local elections.

Sa SC En Banc decision, kinatigan nito ang pinagsamang petisyon nina Uy at isa pang kandidato na si Frederico Jalosjos.

Sina Uy, Federico Jalosjos at Romeo Jalosjos ay magkakalaban bilang kongresista ng 1st District ng Zamboanga del Norte noong nakaraang 2022 election. Teresa Tavares

Previous articleTserman, mga kagawad sa Nova pinadediskwalipika sa early campaigning
Next articleMagulang ng nahuling NPA nakiusap sa Karapatan na ‘wag gamitin ang anak