Home ENTERTAINMENT James at Issa, nag-unfollow sa IG, break na?

James at Issa, nag-unfollow sa IG, break na?

Manila, Philippines – Ang pag-unfollow ng mga celebrity couples–whether married o magkasintahan pa lang–sa sociam media ay naging palatandaan na meron silang kinakaharap na relationship problems.

Hindi nagkakalayo ang kaso nina James Reid at Issa Pressman.

Gulat kasing natuklasan ng mga netizens nitong November 11, Sabado na hindi naka-follow ang isa’t isa sa Instagram.

Bagama’t ito ang tumambad sa mga ito, hindi naman burado sa mga respective IG accounts ng magkasintahan ang mga litrato nilang magkakasama.

Matatandaang ang huli nilang inatenang okasyon ay ang Opulence Ball na inorganisa ni Raymond Gutierrez.

Idinaos ito sa BGC nitong October 31 kung saan “mythology” ang tema.

Bago rito’y magkasama rin sina James at Issa sa Preview Ball nitong September 8 na ginanap sa Marriott Hotel.

Magugunitang nitong March ng kasalukyang taon nang kapwa na nila isinapubliko ang kanilang relasyon.

Samantala, sa ginawang pagtse-check ng mga netizens ay nananatiling pina-follow pa ni James ang kanyang dating nobyang si Nadine Lustre.

Magugunitang ika-1 ng January 2020 nang pumutok ang balitang nag-split na sina Nadine at James.

That time ay si Issa na ang “pinagbibintangang” third party sa nasabing hiwalayan.

Maagap namang dumpensa si James kay Issa noon.

Sa kasalukuyan, may iba nang nobyo si Nadine sa katauhan g Filipino-French businessman na si Christophe Bariou.

On James and Issa, tandang-tanda pa ng mga netizen ang mga binitiwang salita ng aktor na “very happy” raw siya sa piling ng nobya who he considers his “female counterpart.”

Ang pag-unfollow ba nila sa isa’t isa’y nangangahulugang it’s over between them?

If so, sayang… Ronnie Carrasco III

Previous articleRyu Jun Yeol, Hyeri break na!
Next articlePH passports na nakuha ng mga foreigner, iniimbestigahan na ng NBI