Home ENTERTAINMENT James, may mensahe sa tsismis na pagkalas ni Liza!

James, may mensahe sa tsismis na pagkalas ni Liza!

Manila, Philippines – Walang katotohanan ang balitang kumalas na si Liza Soberano sa pangangalaga ni James Reid.

Ito mismo ang niliwanag ng Careless Music.

Ang Careless Music ang record label at talent management office that takes care of Liza’s career.

Isa sa mga may-ari nito ay si James at kasosyo ni Jeffrey Oh na nagsisilbing CEO nito.

Liza inked a management contract with Careless Music noong June 2022.

Ito’y matapos hindi na nag-renew ng kontrata ang aktres sa ABS-CBN at kumalas sa manager nitong si Ogie Diaz.

Sa ipinadalang mensahe ng Careless Music, itinanggi nitong umalis na si Liza sa kanilang poder.

“No reaction to the rumor,” simple’t kaswal na paglilinaw ng nasabing management outfit.

Nag-ugat ang ispekulasyon ng pagkalas ni Liza nang makapanayam ni DJ Jhaiho si Jonnie, ang tiyahin ng aktres.

Si Tita Jonnie din kasi ang nagsilbing road manager at personal assistant ni Liza.

Nabalita ring hawak muli ngayon ng tiyahin ang pamangkin.

Ikinainis pa nga ng tiyahin ang tsismis dahil matagal na raw silang walang komunikasyon ni Liza.

Ni hindi nga raw sinasagot ni Liza ang kanyang mga tawag o mensahe.

Asked if she’s willing to manage Liza anew ay bukas daw siya sa posibilidad na ‘yon.

So, to set the record straight: James is still Liza’s manager! Ronnie Carrasco III

Previous articleFaith, wapakels sa bashers!
Next articleAndrea, nabudol sa Japan!