Home ENTERTAINMENT Jane, sini-ship sa Thai actress!

Jane, sini-ship sa Thai actress!

319
0

Manila, Philippines – Nabuo ang tandem na “DarLentina” nina Janella Salvador at Jane De Leon sa “Darna: the TV series”.

Katunayan, may clamor noon na gumawa sila ng GL series.

Naging game pa nga ang dalawa nang sabihin nila sa isang panayam na okey lang na magkasama sila sa isang LGBTQA+ themed project.

Ang kaso, tila walang nangyari sa inaasam ng kafaneyan na pagsamahin sila sa isang queer project.

Sa halip, napabalitang ang next project ni Janella ay ang balik-tambalan nila ni Joshua Garcia.

Sa kaso naman ni Jane, waring nabantilawan ang kanyang paglipad dahil wala nang napabalitang sumunod na acting project sa kanya after “Darna.”

Lately, nabulaga naman ang mga faney dahil muli na namang naging usap-usapan si De Leon.

Nag-viral kasi ang unexpected encounter ni Jane sa Thai actress na si Becky Armstrong nang magtagpo sila sa Central World sa Bangkok sa Thailand.

Sa Land of Smiles kasi, nag-fan-girling si Jane sa nasabing Thai celebrity na noong nagkaroon ng Fanboom sa Manila ay ni-reenact ang character ni Darna.

Marami rin ang nakapansin sa kanilang chemistry kaya naman may clamor na magsama sila sa isang proyekto.

Hirit pa ng kibitzers, bagay daw ang dalawa sa isang GL serye.

Kung matutuloy nga naman ito, good news ito para kay Jane na muling mabubuhay ang career. Archie Liao

Previous articleJad Dera ililipat na sa Muntinlupa City Jail Male Dormitory
Next articleP4.2M shabu, buking sa loob ng 2 oven toaster!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here