Home ENTERTAINMENT Janella, masama loob sa Star Magic! ENTERTAINMENTLOCAL BIZSHOWBIZTOP STORIES Janella, masama loob sa Star Magic! July 16, 2023 12:41 278 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nag-trending sa Twitter ang topic na “Janella deserves better!” Ang Janella na tinutukoy ay walang iba kundi si Janella Salvador. Feeling kasi ng mga netizens most especially her fans ay naitsa-puwera ang aktres sa Star Magic Catalogue 2023. Ang Star Magic ay ang talent arm ng ABS-CBN. In this year’s catalogue, makikita ang collage ng mga litrato ng mga bigating talents ng Kapamilya network. Wala roon ang larawan ni Janella, kung kaya’t inalmahan ‘yon ng kanyang mga tagahanga. Sa halip ay meron siyang cryptic post: “Ah. K. Noted.” Obyus na patama ‘yon sa Star Magic dahil sa accompanying emojis nito na “star” at “magic wand.” True enough, inamin nga ni Janella na masama ang loob niya sa naturang agency. Kinumpirma ito ng isang resident reporter na nagsabing: “Palaban!” ang aktres. Sumang-ayon naman si Janella by saying: “Palaban pag may pinaglalaban!” Ang nakakaloka pa sa catalogue, mas binigyan pa ng importansya ang litrato ni Jane de Leon gayong mas nauna pang pumasok sa showbiz si Janella. Nangangamoy lipatan ba ito ng network kung ganyang “inapi” ang aktres? Ang paghihiganti ni Valentina…abangan! Ronnie Carrasco III