Home ENTERTAINMENT Janice, nag-throwback sa pagso-sorry nina Sharon at Gabby!

Janice, nag-throwback sa pagso-sorry nina Sharon at Gabby!

Manila, Philippines- Sa guesting ni Janice de Bellen sa YouTube channel ni Snooky Serna ay binalikan niya ang paghingi ng tawad sa kanya noon ni Sharon Cuneta on national television at ang paghingi rin ng tawad at pagso-sorry sa kanya ni Gabby Concepcion.

Pareho kasing naging bahagi ng buhay nina Janice at Sharon si Gabby.

Unang nakarelasyon ni Gabby si Sharon.

Nu’ng naghiwalay sila, ang sumunod na naging girlfriend ng aktor ay si Janice.

Pero naghiwalay din ang dalawa at nagkabalikan naman sina Sharon at Gabby at ikinasal sila. Pero after ilang taon ay naghiwalay din sila.

Sumalang si Janice sa “Pick-a-Name” game at ang unang pangalan na nabunot niya ay si Sharon.

Dito na nga niya naikuwento ang naging “past” nila ng Megastar.

Kwento ni Janice, “Siyempre, nagkaroon kami ng konting issue because of Gabby.

“Nu’ng natapos na rin kami ni Gabby (nag-break), parang tapos na rin yon. Pero okay naman kami (ni Sharon). I mean, we see each other, we’re fine, we’re okay, we have no problems.

“And I remember, si Sharon actually apologized on TV, na nahiya ako kasi parang feeling ko, sobrang liit na bagay para mag-apologize siya.

“But she did apologize. Na-appreciate ko yon. Pero nahiya ako doon kasi hindi ko alam kung bakit kailangan niyang mag-apologize, wala naman iyon.

“But you know, we’re okay. We’re okay,” pagbabahagi pa ni Janice.

After Sharon, ang name naman ni Gabby ang nabunot ni Janice.

Halatang naiilang ang aktres na mapag-usapan ang dating minamahal. Pero nilinaw niya na maayos ang breakup nila at friends pa rin sila until now ni Gabby.

“Alam na natin yan. E, yan naman ang first love ko, di ba? It’s just nice because after all those years, Gabby and I are friends.

“Minsan pagkukuwentuhan namin yung past, lolokohin ko pa siya, and you know, game na game siya.

“So, wala akong galit whatsoever kay Gabby because we’re friends, di ba? Okay kami. Walang drama. May closure and we’re really okay,” aniya pa.

At ibinahagi na nga niya ang paghingi ng tawad sa kanya ni Gabby nang magtambal uli sila sa pelikulang Rosenda, na ipinalabas noong 1989. Rommel Placente

Previous articleKelot utas sa ‘road mishap’
Next article‘Tuta’ ni Romualdez binatikos sa Senado sa pagtawag sa RBH6 na ‘unconstitutional’