Home ENTERTAINMENT Janine, Gabbi, at Jake, to host 7th Eddys!

Janine, Gabbi, at Jake, to host 7th Eddys!

Manila, Philippines- Inanunsyo ng the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na sina Janine Gutierrez, Gabbi Garcia, at Jake Ejercito ang magho-host ng 7th edition ng Eddys.

Sey ni Salve Asis na presidente ng samahan ay naniniwala siyang “unique flavor” ang hatid nila sa show.

2015 na-establish ang SPEEd at 2017 sila unang nagkaroon ng awards night.

14 acting and technical awards ang igagawad sa iba’t ibang movies na pinalabas sa Philippine cinemas at streaming platforms noong 2023.

Gaya ng nakaraang taon ay si Eric Quizon ang magdidirek ng 7th Eddys na gaganapin sa July 7 sa Marriott Grand Ballroom Ceremonial Hall na may delayed telecast sa ALLTV sa July 14.

Bagama’t hindi film reviewers kundi traditional

entertainment editors ang miyembro ng 7th Eddys ay nagiging matunog na ang pangalan nila lately sa X at iba pang social media platforms dahil naikumpara ang kanilang choice of awardees sa FAMAS at Gawad Urian.

Consistent kasi na well-reviewed ng mga dalubhasa sa pelikula ang mga nabigyan nila ng award at mataas ang score gaya ng Ang Babaeng Humayo, Respeto, Liway, Fan Girl, On The Job: The Missing 8, 12 Weeks, atbp. Trixie Dauz